Submitted by niaregion3 on
Matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang pulong ng Zambales Federation of Irrigators Association (ZAMFEDIA) noong Pebrero 4, 2025, sa NIA Zambales IMO Conference Hall.
Ang pagpupulong ay nagtipon ng mga lider ng iba't ibang Irrigators Associations (IA) upang palakasin ang samahan at maglatag ng mga konkretong hakbang para sa ikauunlad ng sektor ng irigasyon. Pinangunahan ito ni Engr. Enrique G. Carlos, Acting Division Manager and pagbibigay gabay at suporta sa mga IA. Si ZAMFEDIA President na si Mr. Daniel A. Villanueva ang namuno sa pagtalakay ng mga isyung tulad ng financial status, pagsusuri ng by-laws, at mga hamon na kinahaharap ng mga IA.
Sa pagtatapos, muling pinagtibay ng mga opisyal at kasapi ng ZAMFEDIA ang kanilang pangako na palakasin ang koordinasyon sa NIA at magtulungan upang mapabuti ang serbisyo sa sektor ng agrikultura.
#bayaNIAn sa #BagongPilipinas