Submitted by niaregion3 on
Walang kapantay ang kasiyahan sa NIA Region III ngayong ipinagdiriwang nito ang ika-62 anibersaryo ng pagkakatatag ng ahensya, sa temang “Pista sa NIA, DAMa ang Saya!”
Ang naturang programa ay sa pangunguna ni Regional Manager Engr. Josephine B. Salazar, kasama ang lahat ng Division at IMO Managers sa tanggapan. Kaugnay nito, malugod na dumalo at nakisaya sina NIA Senior Deputy Administrator Engr. Robert C. Suguitan at mga staff mula sa NIA Central Office, pati na rin si State Auditor IV Rebecca B. Villanueva.
Isa sa mga tampok ng pagdiriwang ay ang gawad-parangal sa mga huwarang empleyado at tanggapan, at iba pang natatanging pagkilala. Isa itong patunay na hindi nasasayang ang sipag at dedikasyon ng mga lingkod-bayan ng NIA.
Bukod dito, isinagawa rin ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng NIA Region III RCIA (Regional Confederation of Irrigators’ Associations), at ang panunumpa ng mga bagong promote na emplyedo. Bitbit nila ang panibagong mandato upang patuloy na itaguyod ang kapakanan ng mga magsasaka at irrigators' associations sa rehiyon.
Masasabi ngang naging makulay, makahulugan, at puno ng sigla ang selebrasyon; isang patunay na kahit sa gitna ng trabaho, may espasyo pa rin para sa pagsasama-sama, pagkilala, at pagbabalik-tanaw sa mga tagumpay ng ahensya.
#bayaNIAn sa #BagongPilipinas