20 WATER PUMPS

Bumugso man ang malakas na ulan ngayong araw ay bumuhos naman ang tulong ng NIA Region III sa mga magsasakang kasapi ng Sibul Barangay Development Association sa Bayan ng San Miguel, Bulacan. Bilang benepisyaryo ng 20 water pumps na ipinamahagi ng NIA Region III, ang nabanggit na IA ay may service area na 30 ektarya at binubuo ng 20 magsasaka sa pangunguna ni IA President Randy Dela Cruz at IA Vice President Jerry Galido. Ang nasabing kaganapan ay pinangunahan ni Engr. Bryan James Dayag ng Engineering Section at G. Virgilio Marasigan, Institutional Development Unit Head. ito ay naglalayong matugunan at suportahan ang pangangailangan sa patubig ng ating mga magsasaka tungo sa masaganang ani.

Ang lahat ng ito ay naging matagumpay sa pamamagitan ng suporta at mahusay na pamumuno ni Engr. Placida C. Cordero, Bulacan IMO Division Manager, Operations and Maintenance Section Chief Engr. Ernesto L. Mapoy, Jr. at Engineering Section Chief Engr. Wendell C. Martin.

#BagongPilipinas #NIAGearUp #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA #NIA