Submitted by niaregion3 on
Matagumpay na naisakatuparan ng Operations and Maintenance Section ng NIA-Bulacan IMO ang paghuhukay ng AMRIS-Lateral F3 kanal na may kabuuang haba na 1,270 metro. Ang naturang kanal, na bahagi ng AMRIS-South Zone, ang nag-uugnay sa Brgy. Bagong Silang, Plaridel hanggang Brgy. Daungan, Guiguinto sa Bulacan, na nagsisilbing mahalagang daluyan ng tubig-irigasyon sa lugar.
Pinangunahan ang implementasyon ni O&M Acting Chief Engr. Janelle I. Santos, katuwang ang Equipment Unit, Plagui Irrigators Association, at SWRFT. Kaugnay nito, ang proyekto ay naisakatuparan sa ilalim ng masinop na patnubay at pamamahala ni Bulacan IMO Manager Engr. Placida C. Cordero.
Bunsod ng inisyatibang ito, masisiguro ang produktibidad ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas maayos na akses ng tubig-irigasyon na mahalaga sa agrikultura. Ang hakbang na ito ay isang kongkretong ambag sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipinong magsasaka, na inspirasyon ng adhikain ng #bayaNIAn sa #BagongPilipinas.