AMRIS NORTH ZONE DIVISION 10

Isinasagawa ngayon ang paghuhukay ng mga farm ditch sa Barangay Calantipe, Apalit, Pampanga, na dudugtong sa Pandapog Creek, bahagi ng AMRIS North Zone Division 10. Layunin ng proyekto na mapabuti ang sistema ng irigasyon at patubig sa humigit-kumulang 90 ektaryang sakahan na pinamamahalaan ng mga magsasaka mula sa Bagong Silang IA at Bagong Buhay IA.

Ang mga farm ditch ay magsisilbing daluyan ng tubig para sa irigasyon at patuyuan ng mga magsasaka, kaya't malaking tulong ito upang mapabuti ang ani at kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.

Bahagi ito ng patuloy na pagsusumikap ng NIA-Bulacan IMO na tiyakin ang sapat at maayos na suplay ng tubig para sa agrikultura upang mapalakas ang seguridad sa pagkain at kabuhayan ng mga magsasaka.

Sa mga ganitong uri ng proyekto, naisasabuhay ang #bayaNIAn sa #BagongPilipinas, at nabibigyang prayoridad ang pagpapaunlad ng agrikultura sa rehiyon na magtutulak sa pagkamit ng mas matatag na ekonomiya at mas masaganang bukas para sa mga magsasaka.