Submitted by niaregion3 on
Ang mga Samahan ng Magsasaka mula sa Distrito I, II, III, IV ng Nueva Ecija ay sama-samang tinangap ang kanilang Operations and Maintenance Subsidy para sa Dry Crop ng 2022 sa opisina ng Nueva Ecija Satellite Office, Cabanatuan City. Ang subsidiya na ito ay makatutulong sa kanilang pagsasaka at mga gastusin sa paglilinis at pagsasaayos ng mga kanal at iba pang pasilidad pampatubig ng kanilang samahan. Lubos na nagpapasalamat ang mga magsasaka sa National Irrigation Administration sa walang sawang pagsuporta sa kanilang pagsasaka. #TuloyAngDaloyNIA