Submitted by niaregion3 on
Sa pagsalubong ng bagong taon, masigasig na isinagawa ng National Irrigation Administration (NIA) Zambales IMO ang pagpupulong at inspeksyon sa pangunahing pinagkukunan ng tubig pang-irigasyon ng Bucao River Irrigation System (RIS). Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng mga Pangulo ng Pederasyon ng Irrigators Association sa Botolan, Zambales. Pinangunahan ito ni Acting Operation and Maintenance Section Chief Engr. Tito M. Lacanlale sa ilalim ng patnubay ni Acting Manager Engr. Enrique G. Carlos.
Layunin ng nasabing aktibidad na talakayin ang iskedyul ng pagpapadaloy ng tubig sa bawat lateral at suriin ang kasalukuyang kondisyon ng mga intakes upang masigurong sapat ang supply ng tubig para sa panahon ng Panag-Araw ngayong taon. Ang mga buwan ng Enero hanggang Pebrero ay itinuturing na pinakakritikal para sa lebel ng tubig sa Bucao RIS, kaya’t paiigtingin ng Zambales IMO ang pagbabantay at pangangalaga sa mga irigasyon.
Ang mga hakbang na ito ay nagpapakita ng patuloy na dedikasyon ng NIA Zambales IMO sa pagsuporta sa mga magsasaka, sa kanilang ani, at sa pagpapanatili ng maayos at tuloy-tuloy na daloy ng tubig para sa irigasyon ngayong taniman.
#bayaNIAn sa #BagongPilipinas