BIGAS SA HALAGANG P29: NIA BULACAN IMO NAKIISA SA KADIWA SA BAYANG NG PAOMBONG

Ang NIA Bulacan Irrigation Management Office (IMO) ay nakibahagi sa paglulunsad ng KADIWA ng Municipal Agricultural Office (MAO) noong Agosto 27, 2024 sa Paombong, Bulacan. Tampok dito ang Bagong Bayaning Magsasaka Rice na mabibili sa halagang P29 kada kilo.

Dumalo sa nasabing kaganapan sina Bulacan IMO Manager Engr. Placida C. Cordero at Operations and Maintenance (O&M) Section Chief Engr. Ernesto L. Mapoy, Jr. Ito ay naging posible dahil sa dedikasyon ni NIA Central Luzon Regional Manager Engr. Josephine B. Salazar at mga Division Manager ng NIA Region III.

Ang programang ito ng pamahalaan ay naglalayong magbigay ng murang bigas sa halagang P29 kada kilo upang makatulong sa mga magsasaka at mga mamamayan. Ang NIA ay naghatid ng 50 sako ng tig-10 kilong bigas na ibinebenta sa mga mamamayan ng Bayan ng Paombong.

Ang abot-kayang presyo ng bigas ay naging posible sa pamamagitan ng NIA Rice Contract Farming Program na isinusulong ni NIA Administrator Eduardo Eddie G. Guillen. Ang inisyatibong ito ay bahagi ng food security program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na naglalayong suportahan ang mga magsasaka mula sa pagtatanim hanggang sa pagbebenta ng kanilang ani.

#BagongPilipinas #NIAGearUp #bayaNIAn