BULACAN IMO AT CENTRO BALIWAG,NAGSAGAWA NG JOINT CLEAN-UP DRIVE SA NORTH MAIN CANAL

Matagumpay na naisakatuparan ang Joint Clean-Up Drive ng Bulacan IMO- Operations and Maintenance Section at CENRO Baliwag noong ika 8 ng Enero, 2025.Nalinis at nahakot ang mga basura sa kanal pang-irigasyon ng North Main Canal, Brgy. Concepcion, Baliwag, Bulacan.

Kaugnay nito, naglaan ang NIA, sa tulong ng Equipment Unit ng O&M Section, ng truck na ginamit sa paghahakot ng basura. Samantala, ang CENRO ay nagbigay ng mga tauhan at nangasiwa sa maayos na pagtatapon ng nakolektang basura sa Materials Recovery Facility (MRF) sa Brgy. Tarcan, Mulawin, Baliwag City, Bulacan.

Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang kalinisan ng mga irigasyon at masiguro ang maayos na daloy ng tubig para sa patuloy na suporta sa agrikultura sa rehiyon.

#bayaNIAn sa #BagongPilipinas