Submitted by niaregion3 on
Ang NIA Aurora Nueva Ecija IMO, Cabanatuan City, Nueva Ecija ay patuloy na nagsasagawa ng mga aktibidad tulad ng pagsasaayos ng pasilidad at paglilinis ng kanal sa mga nasasakupang Communal Irrigation System (CIS) sa Lalawigan ng Nueva Ecija.
Noong April 29, 2024 ay isinaayos ang nasirang daanan o access road ng Paitan Sur Small Water Impounding System na may service area na 90 hectares at may 40 farmer-beneficiaries. Ito ay matatagpuan sa Barangay Paitan Sur, Cuyapo, Nueva Ecija. Lubos ang pasasalamat ng mga magsasaka kasapi ng Barangay Paitan Sur IA dahil sa mabilis na pagtugon ng Ahensiya.
Samantala, noong April 30, 2024, muling nagtungo ang mga kawani ng NIA ANE IMO sa Bayan ng Zaragoza upang muling magsagawa ng paglilinis o desilting operations sa Main Canal ng Gapumaca CIS bilang paghahanda sa Wet Crop 2024. Ang Gapumaca CIS ay may service area ng 800 hectares at may 367 farmers-beneficiaries.
#bagongPilipinas
#NIAGearUp
#bayaNIAn
#TuloyAngDaloyNIA
#NIA