DEPARTMENT OF AGRICULTURE REGIONAL FIELD OFFICE III (DA RFO III) KADIWA

Ngayong Agosto 30, 2024, matagumpay na isinagawa ng Department of Agriculture Regional Field Office III (DA RFO III) ang KADIWA ng Pangulo sa Maimpis, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.

Pinangunahan ito nina DA Region III Executive Director Dr. Eduardo L. Lapuz Jr. at NIA Regional Manager Engr. Josephine B. Salazar. Dumalo sa nasabing kaganapan sina Agribusiness and Marketing Assistance Division Chief, Carmencita S. Nogoy, Engineering and Operations Division Manager Engr. Christian C. Manalo, Institutional Development Section Chief Eden N. Garcia, Pampanga-Bataan IMO Engineering Section Chief Engr. Angelito D. David, Porac Gumain River Irrigation Systems (PGRIS) Operations and Maintenance (O&M) Acting Chief Engr. Alexius S. Academia, Institutional Development Unit Head Reyna S. Sabado, at ang PamBat IDS staff.

Ipinamahagi ang 200 sako ng bigas sa presyong P29 bawat kilo na nagbigay ng malaking tulong sa mga lokal na residente at suportado ang mga lokal na magsasaka. Ang KADIWA ay nagsisilbing daan sa pagpapalawak ng accessibility sa pagkain at pagsuporta sa pamayanan.

Ang tagumpay ng event na ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng DA Region III at ng NIA sa pagpapabuti ng sektor ng agrikultura at pagtulong sa pangangailangan ng mga mamamayan.

#BagongPilipinas #NIAGearUp #bayaNIAn