Submitted by niaregion3 on
Nagsagawa ng desilting activity ang mga kawani ng NIA Aurora-Nueva Ecija IMO sa kahabaan ng Disalit (CRIS) Lateral B-1 na matatagpuan sa Bayan ng San Luis, Aurora noong nakaraang April 15-19, 2024. Ang nasabing irrigation canal ay may service area na 30 ektarya at may 25 benepisyaryong magsasaka. Tuluy-tuloy ang ginagawang paglilinis ng NIA sa mga irrigation canal upang alisin ang mga basura at putik na bumabara sa daluyan ng patubig. Ito ay bahagi ng mas pinatibay na hangarin ng Ahensiya na isaayos ang daloy ng tubig patungo sa mga sakahan at patuloy na masuportahan ang kabuhayan ng mga magsasaka sa kabila ng mga hamong kaakibat ng El Niño.