INSPECTION IN WORKING STATION OFFICE NO. 4

Patuloy na nagsasagawa ng mga hakbang ang Bulacan Irrigation Management Office (IMO) upang mapanatili ang kaligtasan at kahusayan ng kanilang mga pasilidad, sa pamumuno ni IMO Manager Engr. Placida C. Cordero at O&M Acting Chief Engr. Janelle I. Santos.

Pinangunahan ni Engr. Santos ang inspeksyon sa Working Station Office No. 4 sa Barangay Santor, Malolos, at sa mga kanal at imprastruktura ng Angat-Maasim River Irrigation System (AMRIS) sa South Zone - Division 5 sa Plaridel, Bulacan.

Kasama sa inspeksyon si South Zone Supervisor G. Palmero M. Cantos, SWRFT, at ilang lokal na magsasaka. Pinagtulungan nilang suriin ang kondisyon ng mga kanal at iba pang imprastraktura, pati na rin tiyakin ang kaligtasan ng mga residente sa mga komunidad na apektado ng irigasyon.

Samantala, repleksyon ang naturang inspeksyon sa pagsisikap ng Bulacan IMO na mapanatiling nasa tamang kondisyon ang mga pasilidad at maayos ang pamamahagi ng patubig sa mga magsasaka.

#NIAGearUp #bayaNIAn #BagongPilipinas