KADIWA NG PANGULO

Ngayong Setyembre 20, 2024, matagumpay na isinagawa ng Provincial Agricultural Office ang KADIWA ng Pangulo sa harap ng Kapitolyo ng Pampanga sa Barangay Sto. Niño, San Fernando, Pampanga.

Pinangunahan nina Provincial Agriculturist Jimmy S. Manliclic at NIA Regional Manager Engr. Josephine B. Salazar ang nasabing kaganapan. Dumalo rito sina Pampanga-Bataan IMO Manager Engr. Ruben R. Llamas, Engineering Section Chief Engr. Angelito D. David, Porac Gumain River Irrigation Systems (PGRIS) Acting Operations and Maintenance (O&M) Chief Engr. Alexius S. Academia, Bataan Satellite Office Head Engr. Janelle I. Santos, Institutional Development Unit Head Reyna S. Sabado, at ang PamBat IDS staff.

Ipinamahagi ang 200 sako ng Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) Rice sa presyong P29 bawat kilo, na nagbigay ng malaking tulong sa mga lokal na residente at sumuporta sa mga lokal na magsasaka. Ito ay alinsunod sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na mabigyan ang mga Pilipino ng abot-kaya ngunit de-kalidad na bigas.

Ang KADIWA ay nagsisilbing daan upang palawakin ang accessibility sa pagkain at suportahan ang pamayanan. Ang naturang bigas ay mula sa ani ng Tolentino Irrigators Association sa pamumuno ni Chairman Edgardo Zita, sa ilalim ng Rice Contract Farming Program ni NIA Administrator Engr. Eduardo G. Guillen. Ang BBM Rice at ang Rice Contract Farming Program ng NIA ay magkaugnay sa layuning hindi lamang mabigyan ng abot-kayang pagkain ang mga Pilipino, kundi pati na rin sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagtutok sa irigasyon, produksyon, at pagpapabuti ng kabuhayan ng mga magsasaka - isang hakbang tungo sa mas maunlad at matatag na bansa.

#BagongPilipinas #NIAGearUp #bayaNIAn