KADIWA NG PANGULO, PATULOY NA PINAPAIGTING NG NIA

September 17, 2023

Ngayong linggo ay matagumpay na nailunsad ng NIA Region III ang malawakang KADIWA sa lahat ng lalawigan ng Central Luzon, na may temang KADIWA sa NIA: Bunga ng Bayanihan para sa Mamamayan.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni NIA Acting Administrator Engr. Eduardo Eddie G. Guillen na isagawa ang KADIWA sa NIA Program bilang pagsuporta sa programa ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na naglalayong gawing mas abot-kaya ang suplay ng pagkain sa lahat ng Pilipino. Layunin rin nitong magkaroon ng direktang ugnayan ang mga magsasaka at mamimili. Sa pamamagitan nito, masisiguro ang mataas na kita ng ating mga magsasaka upang maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.

Sa pangunguna ni Regional Manager Engr. Josephine B. Salazar, taos-puso ang suporta ng pamunuan ng NIA-Region III sa nasabing programa ng ating Pangulo. Sari-saring produkto ng mga Irrigators Associations (IAs) sa bawat lalawigan ang patuloy na tinatangkilik ng mga mamayan maging ng mga empleyado ng NIA.

#bayaNIAn
#TuloyAngDaloyNIA
#NIA