KADIWA NG PANGULO, PATULOY NA PINAPAIGTING NG NIA

October 4, 2023

Bilang pagsuporta sa programang Kadiwa na inilunsad ng Department of Agriculture (DA) sa pangunguna ng ating Pangulong Marcos, patuloy na pinapaigting ng NIA Central Luzon ang KADIWA sa NIA: Bunga ng Bayanihan para sa Mamamayan.

Tuwing Miyerkules ay nagsasagawa ng Kadiwa ang NIA Bulacan Irrigation Management Office (IMO) sa pamumuno ni Division Manager Engr. Placida C. Cordero sa tapat ng opisina ng Division 10, Apalit, Pampanga. Dito itinatampok ang mga lokal na produkto ng ating mga magsasaka na mabibili sa mas murang halaga.

Ang nasabing programa ng Pangulo ay magandang oportunidad upang masuportahan ang ating mga lokal na magsasaka na maibenta ang kanilang mga produkto upang mas mapataas ang kanilang kita. Ito rin ay nagsisilbing alternatibo para sa mga mamimili upang direktang makabili sa mga magsasaka ng abot-kayang halaga na pagkain sa gitna ng pandaigdigang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang inisyatibong ito ay tiyak na makakatulong sa pag-ahon ng ekonomiya ng ating bansa.

#bayaNIAn
#TuloyAngDaloyNIA
#NIA