Kasaysayan Irrigators Association

Lubos ang pasasalamat ng Kasaysayan Irrigators Association sa NIA Region III ANE IMO sa patuloy na suporta na ibinibigay sa kanila ng gobyerno.

Ang nabanggit na proyekto ay matatagpuan sa Bayan ng Dilasag, Aurora na kung saan isinagawa ang dam at mga konkretong kanal. Kasama din sa pagawain ang konkretong kalsada na may habang 203 metro na makatutulong sa 52 magsasaka na may kabuuang sinasaka na 67 ektarya. Ito ay magiging daan upang umangat ang ani at kabuhayan ng mga magsasaka sa nasabing lugar.

#bagongPilipinas
#NIAGearUp
#bayaNIAn
#TuloyAngDaloyNIA
#NIA