MURANG BIGAS SA KADIWA NG PANGULO, HATID NG NIA SA MGA TARLAKENYO

Nagbukas ang KADIWA ng Pangulo sa Tarlac City Hall sa pangunguna ng NIA Tarlac Irrigation Management Office upang magbenta ng bigas na may presyong P29 bawat kilo noong ika -16 ng Septyembre, 2024. Sa proyektong ito, layunin ng NIA na tulungan ang mga mamamayan ng Tarlac na makabili ng mas abot-kaya ngunit de-kalidad na bigas sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Pinangunahan ni Engr. Enrique G. Carlos, Acting Chief ng Tarlac-San Miguel-O’Donnell River Irrigation System (TASMORIS), Mr. Owen A. Matias, Head ng Institutional and Development Unit, at iba pang NIA Tarlac IMO personnel ang pagbebenta ng saku-sakong bigas sa mga Tarlakenyo, bilang bahagi ng patuloy na pagtugon ng NIA sa pangangailangan ng komunidad.

#BagongPilipinas #NIAGearUp #bayaNIAn