Submitted by niaregion3 on
Tanghali ng Oktubre 4, 2022 nang bisitahin ni NIA Administrator Benny D. Antiporda ang NIA Region III. Ito ang kanyang unang opisyal na pagbisita sa ating tanggapan kung saan sinalubong siya ng may galak ng mga opisyales at empleyado. Hindi nag-aksaya ng panahon ang ating Administrator at agad na pinulong ang kumpletong delegasyon ng NIA Region III, na pinangungunahan ni Regional Manager Josephine B. Salazar. Sinigurado ni Administrator Antiporda na maging magaan at komportable ang magiging takbo ng pagpupulong. Bilang binansagang Action Man ng NIA, hinikayat niya na ipagpatuloy lang ang ating trabaho at kung may problema ay tutulong siya na solusyunan agad ito - diretso aksyon. Pinaalala din niya na ang puso ng bawat isa ay dapat sa NIA lang at ibigay ang dapat laan para sa bayan.
Ilan lamang ito sa mga payo at paalala ng ating NIA Administrator Antiporda na kanyang binanggit sa ginanap na briefing. Hindi rin niya pinalampas ang pagkakataon na maikot ang mga opisina sa ating tanggapan upang personal na kamustahin at makasalamuha ang mga empleyado. #NIAparasabayan #TuloyAngDaloyNIA #NIA
Photo by: NIA CO PAIS