NIA ANE IMO: ANNUAL INTER-IMO CANAL MAINTENANCE VISITATION 2024

Kaganapan Ngayon: Muling isinagawa ang taunang Canal Visitation sa National Irrigation System (NIS) noong ika -10 Ng Septyembre, 2024 sa Lalawigan ng Aurora. Ito ay isang mahalagang plataporma upang suriin ang mga sistemang pang-irigasyon. Gayundin, ito ay sumusuporta sa pagpapaunlad ng agrikultura at pamamahala ng mga yamang-tubig.

Kasabay nito, matagumpay na inilunsad ang NIA-IA KADIWA na bunga ng bayanihan para sa mamamayan na ginanap sa Agricula Multi-Purpose Covered Court, Brgy. Marikit, Casiguran, Aurora. Makikita ang magkakaibang hanay ng mga abot-kayang produktong nagmula sa AMRO-MACATTALLUC-Dipagbato Irrigators Association.

Isa sa mga tampok ang murang bigas na mabibili sa halagang P29 per kilo. Nasa 300 sako ng bigas na ani ng Malabog Carriedo IA mula sa NIA Rice Contract Farming ang ibinenta sa mga senior citizen, solo parents, persons with special needs, at mga miyembro ng 4Ps. Bilang karagdagan namahagi ng libreng gulay sa na unang 220 na katao na pumunta sa KADIWA ng Pangulo.

Ang KADIWA Program ay naging posible sa pamamagitan ng mahusay na pamumuno at suporta ni NIA Regional Manager Engr. Josephine B. Salazar. Dumalo sa nasabing programa sina EOD Manager Engr. Christian C. Manalo, AFD Manager Rochelle S. Cervantes, ANE IMO Manager Engr. Arnel S. Alipio, at mga IMO Managers at Section Chief mula sa iba't ibang probinsiya ng Rehiyon III. Sumuporta rin dito ang mga kawani ng NIA ANE IMO at mga magsasaka mula sa Disalit Creek Irrigation System at Amro River Irrigation System.

Ang inisyatibang ito ay nagpapatunay na ang NIA ay nananatiling tapat sa adhikain nitong mas maiangat pa ang antas ng pamumuhay ng mga magsasakang Pilipino sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan na makapagpapataas ng kanilang ani at kita.

#BagongPilipinas #NIAGearUp #bayaNIAn