NIA ANE IMO MATAGUMPAY NA NAGSAGAWA NG IA ORGANIZATION AT PRE CONSTRUCTION CONFERENCE PARA SA MATAWE CIS SA DINGALAN, AURORA

Matagumpay na naisagawa ng NIA – Aurora-Nueva Ecija Irrigation Management Office (NIA ANE IMO) ang IA Organization and Pre-Construction Conference para sa Matawe Communal Irrigation System (CIS) noong Mayo 21, 2025 sa Barangay Matawe, Dingalan, Aurora. Ang proyekto ay magsisilbi sa 10 ektarya ng lupang sakahan para sa walong magsasaka, gamit ang makabagong teknolohiya para sa mas episyenteng irigasyon at mas mataas na ani.

Dumalo sa pagpupulong ang mga opisyal mula sa NIA-ANE IMO, kabilang sina Acting Division Manager Engr. Arnel S. Alipio, Acting Chief ng Engineering Section Engr. John Alvin M. Dionisio, at IDU Head Mr. Marianito D. Bullozo. Nakibahagi rin ang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan tulad nina Punong Barangay ng Matawe Hon. Jon Jon C. Ritual, Municipal Administrator Bb. Shiella H. Taay, Municipal Engineer Engr. Ken Anthony B. Borreo, MABE/MENRO Engr. John Mark N. Orlasan, at Kinatawan ng MAO G. Rommel Jintulan, kasama ang mga NIA Support Staff. Ang proyekto ay isang hakbang patungo sa pagpapabuti ng agrikultura at patunay ng kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan at mga mamamayan.

Sa tuloy-tuloy na suporta ng NIA at lokal na opisyal, inaasahang magiging matagumpay ang Matawe CIS at magdudulot ng mas masaganang agrikultura sa Dingalan.

#bayaNIAn sa #BagongPilipinas