NIA BULACAN IMO SITE VISIT

Ngayong Setyembre 6, 2024, agad kumilos ang NIA Bulacan Irrigation Management Office (IMO) upang iulat ang insidente ng maliit na pagguho ng lupa malapit sa isang Meralco post na matatagpuan malapit sa isang irrigation canal sa Barangay Pinagbarilan, Baliwag, Bulacan. Ito ay kasunod ng malakas na pag-ulan dulot ng Bagyong Enteng.

Sa pamumuno ni NIA Bulacan IMO Manager Engr. Placida C. Cordero, agad itong pinuntahan at sinuri ng Operation and Maintenance Section Chief, Engr. Ernesto L. Mapoy Jr. Kasama ang mga kinatawan ng Bulacan Provincial Engineering Office, ipinatupad ang mga kinakailangang hakbang upang maiwasan ang posibleng pagbagsak ng Meralco electric post.

Ang mabilis na pagtugon ng NIA Bulacan IMO ay sumasalamin sa dedikasyon ng Ahensiya upang mapanatili ang seguridad at kaligtasan sa komunidad.

#BagongPilipinas #NIAGearUp #bayaNIAn