Submitted by niaregion3 on
October 9, 2023
Upang talakayin ang El Niño at nakaambang epekto nito sa ating produksyon ng bigas sa bansa, nakapanayam ni Cheryl Cosim noong ika-9 ng Oktubre taong 2023 sa ONE BALITA PILIPINAS live via phone patch si OIC-Deputy Administrator for Engineering and Operations Sector Engr. Josephine B. Salazar.
Dito iniulat ni OIC-Deputy Administrator na ang mga rehiyon na pinakaapektado ng El Niño ay ang rehiyon 1, 2, 3, 4B, 6, at 12. Sa datos ng NIA na 275,000 ektaryang lubos na maapetuhan niyo, tinatayang 1.4 milyong metric tons ng palay ang nanganganib na mawala sa ating bansa dulot ng tagtuyot na ating nararanasan.
Bilang paghahanda sa hamon ng El Niño, inilahad ni Engr. Salazar ang mga hakbang na ginagawa ng Ahensiya. Kabilang na rito ay ang pagsulong ng maagang magtatanim kumpara sa nakasanayang pangsakahang iskedyul ng ating mga magsasaka upang maiwasan ang buwan kung saan pinakamararanasan ang tagtuyot sa bansa. Katuwang ng Department of Agriculture (DA), hinihikayat rin ng NIA ang ating mga magsasaka na magtanim ng 100-day variety ng palay.
Malaking tulong rin sa pagsuplay ng tubig sa mga bukirin ay ang implementasyon ng drip irrigation o sprinkler system lalo na ang pagtatayo ng solar irrigation projects na tinatayang makakapag-generate ng 46,000 ektaryang mapapatubigan, restoration ng 17,680 ektarya ng sakahan, at conversion ng 15,000 ektarya na ginagamitan ng fuel and electric-driven na solar pump irrigation.
Ayon kay Engr. Salazar, positibo ang tugon ng kongreso sa hiling ng NIA na dagdagan ang pondo nito upang mas maikatuparan ang konstruksyon ng mga proyektong makakatulong upang malabanan ang masamang epekto ng El Niño sa bansa at masigurong maisakatuparan ang agenda ng ating Pangulo na rice self-sufficiency.