Submitted by niaregion3 on
Pinangunahan ng pamunuan ng National Irrigation Administration (NIA) Zambales IMO, sa patnubay ni Acting Manager Engr. Enrique G. Carlos at katuwang si Acting Operation and Maintenance Section Chief Engr. Tito M. Lacanlale, ang isang pagbabayanihan kasama ang mga magsasaka ng Anim na Irrigators Association (IAs) ng Bucao River Irrigation System (RIS) sa liderato ni Pangulong Daniel A. Villanueva. Ang aktibidad na ito ay isinagawa upang makapaglagay ng sandbags sa checkgate ng Virgin Island sa Brgy. San Juan, Botolan, na isa sa mga mahalagang pinagkukunan ng tubig pang-irigasyon ng nasabing sistema.
Ang sama-samang pagsisikap na ito ay naglalayong tiyakin na bago magsimula ang pagbubukas ng patubig para sa Panag-Araw ngayong taon, ay magiging sapat at tuloy-tuloy ang daloy ng tubig sa mga kanal na pang-irigasyon. Ito ay mahalaga upang matulungan ang mga magsasaka na matiyak ang tamang supply ng tubig para sa kanilang mga sakahan, na magiging malaking tulong sa kanilang ani at kabuhayan.
#NIAGearUp #bayaNIAn #BagongPilipinas