Submitted by niaregion3 on
Matagumpay na idinaos ng Nayom Bayto RIS Federation ang kanilang unang federation meeting nitong Enero 15, 2025. Sa tulong ng Institutional Development Unit (IDU) sa pangunguna ni Ms. Myrna C. Encarnacion at paggabay ni Engr. Enrique G. Carlos, Acting Division Manager naging daan ang pagpupulong na ito upang magbahagi ng kaalaman, talakayin ang mga mahahalagang isyu, at magplano ng makabuluhang mga proyekto para sa kinabukasan.
Pinangunahan nina ZAMFEDIA President G. Daniel A. Villanueva at Auditor G. Aristotle Daylag ang talakayan kung saan binigyang-diin nila ang halaga ng pagkakaisa at suporta ng bawat Irrigators Association (IA) para makalikha ng mas matatag na pondo na magpapalakas sa ZAMFEDIA bilang isang pangunahing haligi ng mga magsasaka sa Zambales. Ang kanilang inspirasyong ibinahagi ay patunay ng layunin nilang mapalago pa ang kapasidad ng asosasyon upang mas mapagsilbihan ang mga miyembro nito.
Hindi rin matatawaran ang naging kontribusyon ni G. Oscar Madarang, NBRIS Satellite Head. Pinangunahan niya ang talakayan tungkol sa Operations and Maintenance (O&M), kung saan malinaw niyang ipinaliwanag ang mga solusyon para sa mas maayos na operasyon ng sistema ng irigasyon. Ang kanyang detalyado at may malasakit na pagbabahagi ay nagbigay ng linaw sa mga katanungan at pangangailangan ng mga magsasaka.
Lubos ding kinilala ang 12 Irrigators Associations (IAs) sa pangunguna ni Pangulong Mario E. Montalla dahil sa kanilang aktibong pakikilahok. Isa sa mga pangunahing layunin ng pagpupulong ay ang pagpaparehistro ng mga IA bilang isang kooperatiba upang magkaroon ng mas maayos at matibay na sistema ng pamamahala.
Ang makabuluhang pagpupulong na ito ay hindi lamang nagbigay ng pagkakataong magbahagi ng mga ideya at plano. Sa tulong at suporta ng National Irrigation Administration (NIA), unti-unti nating maisasakatuparan ang hangaring ito, na magdadala ng mas matatag at organisadong sistema para sa ating mga magsasaka. Sama-sama nating ipagpapatuloy ang paglinang ng mga ugnayan, pagtatanim ng mga binhi ng pag-asa, at pag-aani ng tagumpay para sa ating komunidad.
#bayaNIAn sa #BagongPilipinas