Submitted by niaregion3 on
Matagumpay na nalinis ng Operations and Maintenance Section ng National Irrigation Administration (NIA)-Bulacan Irrigation Management Office (IMO) ang AMRIS-Lateral D1D canal na bahagi ng AMRIS-North Zone sa Brgy. Balucuc, Apalit, Pampanga.
Umabot sa 1,200 metro ang kabuuang haba ng kanal, na nagsimula sa Sta. 2+100 at nagtapos sa Sta. 3+300. Ang proyektong ito ay naglalayong mapanatili ang maayos at tuloy-tuloy na daloy ng tubig-irigasyon upang masiguro ang epektibong serbisyo para sa mga kasaping magsasaka ng Balucuc Irrigators Association.
Pinangunahan ni O&M Acting Chief Engr. Janelle I. Santos ang operasyon, katuwang ang Equipment Unit at SWRFT, sa ilalim ng pamatnubay ni Bulacan IMO Manager Engr. Placida C. Cordero.
#bayaNIAn sa #BagongPilipinas