PAGPUPULONG NG REGIONAL CONFEDERATION OF IRRIGATORS ASSOCIATION BOARD OF TRUSTEES AT IRRIGATION DEVELOPMENT SECTION, ISINASAGAWA SA NIA

October 10, 2023

Isinagawa ng NIA Region III ang ikalimang pagpupulong ng Regional Confederation of Irrigators Association (RCIA) Board of Trustees (BOT) at Irrigation Development Section (IDS) Staff noong ika-10 ng Oktubre taong 2023 sa NIA Region III Farmers Training Center, Brgy. Tambubong, San Rafael, Bulacan.

Pinangunahan ito ng NIA Region III Instututional Development Section (NIA), sa pamumuno ni Acting Chief Eden N. Garcia. Dumalo rin dito ang lahat ng Irrigation Management Office (IMO) Managers ng Bulacan, Pampanga-Bataan, Aurora-Nueva Ecija, Tarlac, at Zambales upang magkaroon ng personal na pakikipag-ugnayan sa mga tagapangulo ng magsasaka sa kani-kanilang lalawigan.

Pasasalamat mula sa mga Pangulo ng RCIA ang natanggap ng mga IMO Manager, gayundin ang ibinalik nila sa ating mga magsasaka sa magandang samahan at pagtutulungan sa mga aktibidad at programa ng Ahensiya upang mapataas ang produksyon, mapataas ang kita, at maiangat ang antas ng pamumuhay ng ating mga magsasaka.

Sa pamamagitan ng nasabing pagpupulong, nabigyan din ng pagkakataon ang RCIA Presidents na mapabatid ang kanilang mga suliranin sa patubig na kinakaharap sa kani-kanilang probinsya. Ang lahat ng ito ay binigyang-pansin ng mga IMO Manager at kanilang inilahad ang mga programa at plano ng pamunuan ng NIA Region III upang masolusyunan ang lahat ng ito, gayundin ang paghahanda sa mga paparating na problemang maaaring kaharapin tulad na lamang ng nakaambang epekto ng El Niño sa ating bansa.

#bayaNIAn
#TuloyAngDaloyNIA
#NIA