PLAQUE OF APPRECIATION KAY ENGR. JOSEPHINE B. SALAZAR, REGIONAL MANAGER NG NIA REGION III

Bilang pagkilala sa kaniyang kahanga-hangang serbisyo at dedikasyon sa sektor ng agrikultura, ang Samahang Magsasaka ng North Tarlac Council Federation of FIA, Inc., sa pangunguna ni Pangulong Rodenio T. Sotero, ay malugod na naggawad ng isang Plaque of Appreciation kay Engr. Josephine B. Salazar, Regional Manager ng NIA Region III.

Ang naturang pagkilala ay ginanap noong Setyembre 3, 2024 sa NIA-CAMRIS Office sa Malacampa, Camiling kung saan kasalukuyang ginaganap ang Inter-IMO Canal Maintenance Visitation. Ito ay isang paraan ng mga pinuno at kasapi ng IA upang ipaabot ang kanilang pasasalamat kay Engr. Salazar dahil sa kaniyang kontribusyon at tapat na serbisyo sa sektor ng agrikultura.

Ayon sa mga magsasaka, ang aktibong pamumuno at suporta ni Engr. Salazar ay nagbigay-daan sa tagumpay ng iba't ibang proyekto sa mga bayan ng Camiling, Mayantoc, Santa Ignacia, at San Clemente. Ito ay hindi lamang nagpaganda sa mga pamamaraan ng pagsasaka kundi nagpatibay rin sa pagtutulungan at nagpaunlad sa mga lokal na pamayanan.

#BagongPilipinas #NIAGearUp #bayaNIAn