Submitted by niaregion3 on
Bilang tugon sa pananalasa ng Bagyong Enteng, nagsagawa ng on-site inspection si NIA Regional Manager Engr. Josephine B. Salazar sa Cong Dadong Dam na matatagpuan sa Barangay Lacquios, Arayat, Pampanga ngayong Setyembre 4, 2024 upang suriin ang kalagayan at kasalukuyang water elevation nito.
Kasama sa isinagawang inspeksyon sina Engineering and Operations Division Manager Engr. Christian C. Manalo, Pampanga-Bataan IMO Manager Engr. Ruben R. Llamas, Pampanga Delta River Irrigation System - Operation and Maintenance Section Chief Engr. Clarita G. Silverio, Engineering Section Chief Engr. Angelito D. David, Porac-Gumain RIS Acting Operations and Maintenance Section Chief Engr. Alexius S. Academia, at Regional Confederation of Irrigators Association President Nazario G. Vinuya.
Sa nasabing pagbisita, sinuri ng grupo ang integridad ng istruktura ng dam at nagmonitor ng antas ng tubig upang masiguro ang kaligtasan ng mga komunidad sa ibaba ng dam. Ang inspeksyon ay bahagi ng mga hakbang ng NIA upang maagapan ang posibleng pagbaha at matiyak ang tuluy-tuloy na suplay ng tubig para sa irigasyon sa kabila ng mga epekto ng bagyo.
Tunay nga ang dedikasyon ng NIA upang mapanatili ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga sistemang pang-irigasyon, lalo na sa panahon ng bagyo at iba pang kalamidad.