SITE VISIT

Ngayong araw, Setyembre 2, 2024, dahil sa nararanasang pag-ulan hatid ng Bagyong Enteng ay patuloy rin ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat Afterbay Regulator Dam (AARD) / Bustos Dam.

Personal na pinuntahan ni NIA Regional Manager Josephine B. Salazar ang nasabing dam upang alamin ang kasalukuyang lebel ng tubig nito. Kasama rin sa isinagawang dam visit sina Engineering and Operations Division Manager Engr. Christian C. Manalo, Bulacan IMO Manager Engr. Placida C. Corder, Operations and Maintenance Section Chief Engr. Ernesto L. Mapoy, Jr. at Water Control Coordinating Unit Head Francisco J. Clara.

Umulan man o umaraw, patuloy na ginagampanan ng mga opisyal at kawani ng NIA Region III ang kanilang tungkulin na maglingkod sa bayan.

#BagongPilipinas #NIAGearUp #bayaNIAn