Submitted by niaregion3 on
May 19–26, 2025 — Dalawang linggo bago ang opisyal na pagsisimula ng patubigan para sa Panag-ulan ng 2025, masigasig na isinagawa ng Operations and Maintenance (O&M) Section ng Zambales Irrigation Management Office (IMO) ang sabayang paglilinis at pagmementina sa apat na pangunahing sistema ng irigasyon sa lalawigan—Bucao, Upper Bagsit, Sto. Tomas, at Nayom Bayto River Irrigation Systems.
Layunin ng aktibidad na tiyakin ang kahandaan ng mga irrigation facilities sa darating na panahon ng taniman. Kabilang sa mga isinagawang maintenance activities ay ang pag-aalis ng mga bara at basura sa mga estruktura, paglalagay ng grasa sa mga mekanismo ng dam at gate structures, pag-aalis ng mga naipong banlik o “silt” sa mga irrigation canals, at ang pagsasagawa ng dry run upang suriin ang maayos na daloy ng tubig sa mga kanal.
Ang mga gawaing ito ay katuwang na isinakatuparan ng mga kawani ng NIA at mga miyembro ng iba't ibang Irrigators Associations (IA) sa bawat sistema. Ang kanilang aktibong partisipasyon ay patunay ng pagpapatuloy ng diwa ng bayanihan at kooperasyon sa sektor ng irigasyon.
Inaasahang magiging maayos at episyente ang pagpapadaloy ng tubig patubig sa mga sumusunod na iskedyul:
Bucao RIS - Mayo 31, 2025
Upper Bagsit RIS - Hunyo 9, 2025
Sto, Tomas RIS - Hunyo 9, 2025
Nayom Bayto RIS - Nagsismula na noong Mayo 15, 2025
Ang mga sistemang ito ay kabilang sa mga pangunahing pinagkukunan ng irigasyon ng libu-libong ektarya ng palayan sa Zambales. Ang paghahandang isinagawa ay tugon sa inaasahang simula ng Wet Cropping Season sa Mayo 29, 2025, at bahagi ng mas malaking layunin ng NIA Zambales IMO na mapanatili ang episyenteng operasyon ng mga pasilidad at matiyak ang sapat na suplay ng tubig para sa mga magsasaka sa buong lalawigan.
#bayaNIAn sa #BagongPilipinas