PATALASTAS – Nov. 19

Magalang po naming ipinaabot sa lahat ng mga magsasaka na nasasakupan ng Angat Maasim River Irrigation System (AMRIS) South Zone sa ilalim ng Bulacan-Aurora-Nueva Ecija Irrigation Management Office (BANE IMO) na ang pagsisimula ng pagtatanim para sa PANAG-ARAW 2022 (DRY SEASON) ay sa Ika-1 ng Nobyembre, 2021 at magtatapos sa Ika-15 ng Abril, 2022.Samantalang ang Angat-Maasim River Irrigation System (AMRIS) North Zone ay magsisimula sa Ika-16 ng Nobyembre, 2021 at magtatapos sa ika-30 ng Abril, 2022.

Magkaisa po tayo na sumunod sa petsang nabanggit at magsama-sama tayo na sinupin at pangalagaan ang tubig na dadaloy sa mga kanal at sa inyong mga bukirin.