Submitted by niaregion3 on
Nais po naming ipabatid sa ating mga magsasaka at lokal na pamahalaan ng Bulacan at Pampanga na nasasakupang ng Angat-Maasi River Irrigation System (AMRIS) na magkakaroon po ng PLANT SHUTDOWN angANGAT HYDROELECTRIC POWER PLANT (AHEPP) sa darating ng Mayo-Hunyo 2022 at AHEPP's 2nd Shutdown sa Mayo-Hunyo 2023 upang magbigay daan sa "major maintenance activity" kung saan: (a) magkakaroon po ng "structural assessment", (b) repair at permanent remediation ng mga leakages sa by-pass no.2 ng Auxilliary Unit no.5 penstock, (c) replacement ng main inlet valve ng turbine-generating units, at (d) repair at rehabilitation ng main supply ng cooling water system.
Makakaasa po kayo na ang gagawing "repair and rehabilitation" sa Angat Dam ay hindi po magiging balakid sa inyong pagtatanim, bagkus ito po ay para mas lalo pang patibayin ang dam para sa patuloy na pagpapaagos ng irigasyon sa mga bukirin ng mga magsasaka ng Bulacan at Pampanga.
Kaugnay po nito, amin pong hinihiling ang inyong pakikiisa at pagsunod sa ating Patalastas (Water Delivery Schedule) para sa Dry Crop 2022 para bigyang daan ang nasabing rehabilitation ng Angat Dam.