MAHALAGANG PABATID PARA SA MGA MAGSASAKA NG NASASAKUPAN NG ANGAT MAASIM RIVER IRRIGATION SYSTEM (AMRIS) PATALASTAS

Sa lahat ng kinauukulan:

Magalang po naming ipinaaabot sa lahat ng mga magsasaka na nasasakupang ng Angat Maasim river Irrigation System (AMRIs) sa ilalim ng Bulacan-Aurora-Nueva Ecija Irrigation Management Office (BANE IMO) na ang pagsisimula ng pagtatanim para sa PANAG0ULAN 2022 (Wet Crop 2022) ay sa ika-15 ng Hulyo 2022 at magtatapos sa ika-15 ng Nobyembre 2022.

Magkaisa po tayo na sumunod sa petsang nabanggit at magsama-sama tayo na sinupin at pangalagaan ang tubig na dadaloy sa mga kanal at sa inyong mga bukirin.

Kalakip po nitong Patalastas ay ang mga barangay na nasasakupan ng bawat bayan ng kasama sa ating programang patubigan.

Para sa inyong kaalaman.

#TuloyAngDaloyNIA