Submitted by niaregion3 on
Sa lahat ng kinauukulan:
Magalang po naming ipinaabot sa lahat ng nasasakupang ng Disalit Creek Irrigation System (DCRIS) sa ilalim ng Bulacan-Aurora-Nueva Ecija Irrigation Management Office na ang pagpapadaloy ng tubig para sa PANAG-ULAN 2022 na pananakahan ay magsisimula sa Hunyo 1, 2022 hanggang Oktubre 31, 2022.
Magkaisa po tayo na sumunod sa petsang nabanggit at magsama-sama tayo na sinupin at pangalagaan ang tubig na dadaloy sa mga kanal at sa inyong bukirin.
Kalakip po nitong Patalastas ay ang mga barangay at TSA na nasasakupan ng bawat bayan na kasama sa ating programang patubigan.
Para sa inyong kaalaman.
#TuloyAngDaloyNIA