NIA REGION III, HUMAKOT NG PARANGAL SA ANNIVERSARY CULMINATING PROGRAM

Sa ilalim ng pamumuno ni OIC-Deputy Administrator and concurrent Regional Manager Engr. Josephine B. Salazar, humakot ng parangal ang NIA Region III sa 61st NIA Founding Anniversary Culminating Program na ginanap sa NIA Central Office, Diliman, Quezon City. Itinanghal na Best Regional Office Hall of Famer ang NIA Region III matapos nitong masungkit ang nasabing parangal sa tatlong magkakasunod na taon (2021, 2022, at 2023). Ang awarding ceremony ay pinangunahan nina Department of Agriculture (DA) Undersecretary Engr. Christopher V. Morales, NIA Administrator Engr. Eduardo Eddie G. Guillen, Senior Deputy Administrator Engr. Robert C. Suguitan, at Deputy Administrator for Administrative and Finance Sector Robert Victor G. Seares, Jr. Bukod sa Hall of Fame Award, hinirang bilang Best Irrigation Management Office (IMO) ang Bulacan IMO sa pangunguna ni IMO Manager Engr. Placida Cordero. Hindi rin nagpahuli ang mga Irrigators Association (IA) ng NIA Region III. Ang Outstanding CARP-IC IA Performer ay nakamit ng Water System of Tabasaca IA sa pamumuno ni IA President Gilbert M. Salamero. Rank 5 naman sa National Irrigation System (NIS) IA Category ang Mangindong Bacong IA sa pangunguna ni IA President Ricardo S. Baraña.

Samantala, ang Lukung Dam IA of Concepcion ay nagwagi ng dalawang parangal: Rank 2 Outstanding IA (CIS Category) at Top 3 in CIS Highest Yield. Ito ay dahil sa mahusay na pamumuno ni IA President Renato D. Simbillo. Ang lahat ng parangal na ito ay sumisimbolo sa hangarin ng NIA Region III na mas mapaunlad pa ang sektor ng irigasyon at mas mapataas pa ang ani at kita ng mga bayaning magsasaka. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang tagumpay ng NIA Region III. Ito ay tagumpay ng mga magigiting na magsasaka sa Gitnang Luzon.

#BagongPilipinas #NIAGearUp #bayaNIAn  #TuloyAngDaloyNIA  #NIA