DISTRIBUSYON NG MGA SHALLOW TUBE WELL (STW)

Upang matiyak ang sapat na suplay ng irigasyon sa mga sakahan, isinasagawa ng NIA Pampanga-Bataan IMO ang distribusyon ng mga Shallow Tube Well (STW) sa 10 Irrigators Associations (IAs) ng Porac-Gumain River Irrigation System (PGRIS) sa Barangay San Roque, Floridablanca, Pampanga. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Gloria Macapagal-Arroyo, Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Pampanga, at ni Engr. Josephine B. Salazar, NIA OIC-Deputy Administrator for Engineering and Operations Sector at kasalukuyang Regional Manager ng NIA Region III. Ito ay dinaluhan nina Pampanga-Bataan IMO Manager Engr. Ruben R. Llamas at mga opisyal ng Pamahalaang Pambayan ng Floridablanca.

Ito ay alinsunod sa kahilingan ng mga IA na kinabibilangan ng Samahang Magpapatubig ng San Pedro Floridablanca, Inc., San Pablo Roque IA, San Ramon Mountainview FIA, San Jose Mabangkuang, Inc., Benedicto/Del Carmen Farmers Association, Consuelo Farmers Association, Carmencita Farmers Association, Floridablanca Aeta Ancestral Domain, Mt. Ginilan Farmers Cooperative, at Rice Grainery Farmers Association.

Ang pagtugon ng NIA sa kahilingan ng mga IA ay naglalayong masiguro ang masaganang ani at mas mapaunlad pa ang kabuhayan ng ating mga bayaning magsasaka.

#BagongPilipinas #NIAGearUp #bayaNIAn  #TuloyAngDaloyNIA  #NIA