Submitted by niaregion3 on
Sa kanyang mensahe sa ginanap na Shallow Tube Well Distribution noong Hunyo 3, 2024 sa Bayan ng Floridablanca, Pampanga, ipinaabot ni Engr. Josephine B. Salazar, NIA OIC-Deputy Administrator for Engineering and Operations Sector at kasalukuyang Regional Manager ng NIA Region III, ang kanyang pasasalamat kay Pampanga 2nd District Representative Hon. Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa kanyang taus-pusong suporta sa mga programa ng NIA.
Hinikayat ni Engr. Salazar ang mga magsasaka na pag-ingatan ang mga shallow tube well na ipinagkaloob sa kanila. Aniya, ito ay instrumento upang mas maiangat pa natin ang antas ng pamumuhay ng ating mga magsasaka, mas mapaunlad pa ang sektor ng agrikultura, at makamit ang rice self-sufficiency sa ating bansa.
#BagongPilipinas #NIAGearUp #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA #NIA