Submitted by niaregion3 on
Noong Hulyo 24-25, 2024, sa gitna ng matinding pag-ulan at malakas na hangin na dulot ng Bagyong Carina, patuloy pa rin ang kawani ng NIA Aurora-Nueva Ecija IMO upang gampanan ang kanilang tungkulin lalong higit sa pagbisita at pagsusukat ng mga karagdagang kanal na kahilingan ng mga magsasaka sa Lateral A at Lateral B ng Amro River Irrigation System.
Katuwang ng ANE IMO Survey personnel si G. Arnaldo Castrense, Patnugot ng Amro-MACATTALLUC-Dipagbato IA (Kaporoyan area). Kasabay nito ang pagsubaybay sa lahat ng sistemang pampatubig sa lahat nasasakupan nito.