NIA REGION 3 NAKIISA SA MURANG BIGAS @29

Naging bahagi ang NIA Region III sa Soft Launching of P29 per kilogram of rice na ginanap kaninang umaga sa NIA Central Office. Ito ay pinangunahan nina DA Undersecretary for Rice Industry Development Christopher V. Morales at NIA Administrator Engr. Eduardo Eddie G. Guillen.

Sa pamamagitan ng dedikasyon ni Regional Manager Engr. Josephine B. Salazar, kasama ng mga Division Manager, naipakita ng NIA Region III ang layunin nitong suportahan ang mga programa ng pamahalaan para sa ikabubuti ng mga magsasaka at mga mamamayang Pilipino.

Ang bigas na mabibili sa halagang P29 kada kilo ay mula sa mga magsasaka na bahagi ng NIA Rice Contract Farming Program. Ang inisyatibang ito ay alinsunod sa food security program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Ito ay nilahukan ng mga Irrigators Association bilang pasasalamat sa tulong ng pamahalaan sa kanilang sektor, lalo na sa mga kagamitang pansaka at rice processing systems na ipinagkaloob sa kanila.

Sa ganitong paraan at bayanihan, mapatataas ang kita ng mga magsasaka at magiging abot-kaya ang presyo ng bigas para sa lahat. Ang lahat ng ito ay bahagi ng diwa ng Bagong Pilipinas para sa mga Pilipino.

#BagongPilipinas #NIAGearUp #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA