CEREMONIAL TURNOVER OF VARIOUS OPERATIONS AND MAINTENANCE EQUIPMENT OF NIA

Sa kanyang mensahe sa ginanap na Ceremonial Turnover of Various Operations and Maintenance Equipment of NIA noong ika-7 ng Agosto 2024 sa Global Construct City, Mexico, Pampanga, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ang 3-Year Refleeting Program ng NIA operations and maintenance (O&M) equipment ay isang malaking hakbang ng pamahalaan upang makamit ang food security sa bansa.

Aniya, ang pagpapalawig sa paggamit ng mga makabagong pamamaraan sa pagsasaka at patubig, maging ang pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga irrigators association at ng pamahalaan, ay isang hakbang upang makamit ng mga magsasaka ang kanilang mga pangarap at adhikain. Ipinaabot ng Pangulo ang kaniyang pasasalamat sa mga bayaning magsasaka at hinikayat na patuloy na magpursigi sa pagpapaunlad ng mga sakahan sa bansa.

Ang nasabing kaganapan ay naging matagumpay sa pangunguna nina Engr. Josephine B. Salazar, NIA Central Luzon Regional Manager, Engr. Marcial Gealone, Jr., Acting Equipment Management Division Manager ng NIA Central Office, at Bulacan IMO Manager Engr. Placida Cordero. Ito ay dinaluhan ng 300 magsasaka mula sa Gitnang Luzon.

#BagongPilipinas #NIAGearUp #bayaNIAn #TuloyAngDaloyNIA