NIA BULACAN IMO BBM RICE STORE

Matagumpay na inilunsad ng NIA Bulacan IMO ang Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) Rice Store noong Oktubre 24-25, 2024 para sa mga residente ng Sitio Bacood, Tambubong, San Rafael Bulacan at Barangay Mangga, Candaba, Pampanga.

Sa kabila ng maulang panahon, nakapagbenta ang Bulacan IMO ng de-kalidad na bigas sa halagang P29 kada kilo. Binigyang-prayoridad ang mga senior citizen, solo parents, persons with special needs, at mga miyembro ng 4Ps.

Layunin ng programa na makatulong sa mga pamilyang nangangailangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas abot-kayang bigas, lalo na sa mga komunidad na sakop ng Angat Maasim River Irrigation System (AMRIS). Sa pamamagitan din nito, naisasakatuparan ng NIA ang adhikain nitong makatulong sa food security program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

#BagongPilipinas  #bayaNIAn  #NIAGearUp