Submitted by niaregion3 on
Patuloy ang pamunuan ng Bulacan IMO sa pagsasagawa ng inspeksyon sa mga imprastrukturang pang-irigasyon at iba pang pasilidad ng Angat Maasim River Irrigation System.
Kabilang sa mga kamakailang binisita ang ANBUSPA sa Brgy. Tibagan at BUSPAN sa Brgy. Liciada, pawang mga lugar sa Bustos, Bulacan. Pinangunahan ito ni Engr. Janelle I. Santos, Acting Chief ng Operations and Maintenance Section, kasama sina G. Palmero M. Cantos, South Zone Supervisor, at iba pa.
Layunin ng regular na pag-iinspeksyon na masiguro ang maayos na operasyon ng mga pasilidad upang maging ligtas ang mga ito para sa mga magsasaka at komunidad na umaasa sa irigasyon.
Samantala, ang patuloy na pangangalaga at pagmamanman sa mga imprastruktura ay bahagi ng layunin ng Bulacan IMO na makapaghatid ng ligtas, sapat, at de-kalidad na serbisyo sa patubig sa kanilang nasasakupan.
#NIAGearUp #bayaNIAn #BagongPilipinas